astig siguro kung alam natin kung ano ang mangyayari bukas at sa mga susunod pang bukas. yung tipong pag pinikit mo ang mga mata mo at umisip ka ng petsa eh makikita mo ang bawat detalye. hay, ang sarap. biruin mo, di mo na kailangang mabaliw o mataranta pa sa pag-iisip kung ano ang kahihinatnan ng kapalpakang nagawa mo sa kasalukuyan. ang saya sanang isipin, pero sayang, hanggang pangarap na naman ito.
siguro sasabihin mo, "andyan naman ang mga manghuhula." hoy, gumising ka nga, hindi lahat ng kanilang mga prediksyon ay totoo. sabihin na natin na sa isang punto lamang sila sa atin, pero isipin mo, kaya nga sila inawag na manghuhula, walang katiyakan ang kanilang sinsasabi, from the root word ika nga.
tao lang tayo, napatunayan man ng siyensya na tayo ang pinakamatalinong tao sa balat ng lupa o sabihin pa nating sa universe pa, pero sa kabilang banda may mga limitasyon pa rin tayo. simple, katulad na lang ng mga isda, di man sila malulunod sa tubig, mamamatay naman sila sa lupa.
pero balik tayo sa usapan. paano nga kaya kung ang lahat ng magaganda at masasamang manyayari sa buhay natin ay alam na natin. ating isa-isahin. kung alam natin ang magagandang manyayari, eh di ayos. lagi na tayong magiging masaya at lagi na rin nating papangaraping dumating na ang tamang panahon para mangyari iyon. sa ingles, we'll always look forward to the time that it will be happening. pero, isang napakalaking pero! masaya ka nga at alam mong may magandang manyayari sa iyo bukas, pero isipin mo, pano na lang kung totoong nangyayari na iyon? dun mo malalaman na sana hindi mo na lang ito nalaman. bakit? kasi madidiskubre mo na nawalan na ng saysay ang salitang SORPRESA. habang buhay mo nang ipagkakait sa sarili mo ang kasiyahang hatid ng mga sorpresa. para ka lang nyan nanood ng peilikulang pangalawang beses mo nang napapanood.
sa kabilang dako naman tayo, kung alam mo na ang mga kapalpakang mangyayari sa iyo, masisiyahan ka pa bang gumising sa umaga at harapin ang dapat na mangyari? masisiyahan ka pa kayang namnamin ang mga tagumpay sa araw na iyon kung alam mong maya-maya lang ay may di magandang mangyayari. maliban sa nakakabaliw na pag-iisip na yan habang hinhintay mong dumating ang pagkakataong iyon, isipin mo kung andun ka na talaga sa panahong iyon. sasama lang ang loob mo na wala ka man lang nagawa para mapigilan iyon kahit na matagal mo nang alam na mangyayari iyon. nakasulat na ang lahat eh, ang lahat ng makikita mo ay mangyayari na talaga. so ano pa ang silbi ng kaalaman mo sa mangyayari bukas kung wala ka rin naman palang magagawa?
eh di wag na lang. "let's live one day at a time na lang," mas mabuti pa yun.