moving from my pink flat to the new emerald one...
Kung gusto mo ng pagbabago, nararapat lang na handa kang talikuran ang mga bagay sa kasalukuyan. Kung patuloy mong hahawakan ang bagay na yan, paano mababakante ang kamay mo para hawakan ang mga pagbabago? Hindi kailanman mangyayari ang mga pagbabago kung ikaw mismo ay di handang tanggapin na kailangan mong isakripisyo kahit na ang mga pinakamagagandang bagay sa ngayon.
Simple lang naman ang mensahe. Kung gusto mong ganyan ka na lang, eh di steady ka lang. Pero kung gusto mo ng pagbabago, kumilos ka. Ang pagbabago ay ang unti-unting paghakbang, hindi lang patungo sa unahan, kundi papalayo sa kasalukuyan.