Tuesday, July 21, 2009
no more calls
Sunday, July 19, 2009
puzzle beater
Tuesday, July 14, 2009
ice cream treat
Tuesday, July 7, 2009
who is he?
Matagal na rin akong naghihintay ng susunod na kwentong barbero ni bob ong. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit sa tagal ng paghihintay ko parang nahuli pa ako sa balita sa bago nyang libro? Mabuti na lang kamo at napadpad ako sa NBS. Ayun, nakaadvertise bilang #2 best selling book for non fiction. Kaso, nalibot ko na ang buong bookstore, wala akong makitang kopya.
Hindi ako nawalan ng pag-asa. Nagtanong ako sa saleslady, sabi nya out of stock na raw. Walang bagong delivery. Bad trip. Hindi ako makatulog noong araw na yun, pinapatay na ako ng adiksyon ko.
Ayun, nakakuha rin ako ng kopya kinabukasan. Kaso wala akong oras para magbasa. Sa madaling salita, sa kinabukasan pa noong araw na yun ko nabasa. Dalawang oras lang ang itinagal ng mga pahina. Di ko namalayan, lumilipad na pala na parang ibon ang batang si Ging-Ging. Tapos na ang kwento.
Ganunpaman, ang KAPITAN SINO, parang kwentong katulad ng Mac Arthur. Nobela. Pero, astig pa rin. Marami pa ring nakakatawa. Marami pa rin akong natutunan. Marami talagang mga puntong nagpapamulat sa katotohanan, hindi man maniwala ang mga nakakakita ng libro na may ganung klase palang laman ito.
Katulad ng pagkasilver ng cover nito, parang bagong pag-asa.
Pero natutunan ko ang pinakaastig na sagot sa tanong na anong gagawin mo? Anong ibabahagi mo? --- “kung ano ang kaya ko.”
Sa huli, hindi kailangan ng pangalan para tumulong, kahit hindi Kapitan Sino ang pangalan nya, kahit pa Super Strength, ang importante, nagbibigay ka ng tulong base sa kung ano ang kaya mo.
Salamat Rogelio. Salamat Kapitan Sino. Salamat Bok-bok. Salamat Tessa. Salamat Ging-Ging. At super salamat kay Bob Ong. Oo nga, ito ang totoo.
Wednesday, July 1, 2009
Til when should I wait?
sa tagal ng paghihintay ko, heto ang mga natutunan ko:
- maraming bagay ang kailanman ay di mo malalamang posible pala kung di ka ganun katiyagang maghintay sa pagsapit nito.
- hindi dahil matagal ka na sa lugar ay mahal mo na ito, pwede rin namang kinakailangan mo lang talagang manatili dito.
- may mga taong determinadong magbago, pero madalas takot sila sa pagbabago. ayun, sa huli, wala rin namang magbabago. patuloy na lang silang makukulong sa bagay na hindi nila gusto, na hindi nila kayang iwan.