Monday, August 17, 2009

making decisions

masarap magbukas ng bagong yugto sa buhay.

di man malaman ng ibang tao ang nararamdaman mo,
di man nila maintindihan ang mga ginagawa mo,
di man sila masaya sa daang pinili mo,
di man sila pabor sa desisyong ginawa mo....

O KAHIT KUMONTRA PA ANG BUONG MUNDO...

mas importanteng, alam mo ang ginagawa mo.

masaya ka sa ginagawa mo
alam mong tama ang ginagawa mo
may tiwala ka sa desisyon na ginawa mo

wala nang pakialaman sa sasabihin ng iba...

alam mong buhay mo yan at ikaw lang ang magsusulat ng mga kwento
ikaw ang magbubukas ng pinto
AT IKAW DIN ANG MAGSASARA

sana malaman nilang may sari-sarili tayong buhay
kung makikialam lang ang iba, sana perpekto na ang buhay nila
sana masaya sila
at sana totoong nanggaling sila sa katayuan mo
para naman maging kapani-paniwala ang mga sasabihin nila...

kaya nga tig-iisa tayo ng buhay eh, parang papel sa eskwela.
bawat estudyante, bahala na sa gusto nilang isulat
kung magkopyahan man, yun ay dahil sa kagustuhan ng isa't isa


sa madaling salita, kung wala kang permisong makigulo sa buhay ng isa

WAG KA NANG SUMINGIT PA
wala kang lugar
wala kang papel
walang kwenta ang sasabihin mo
tapos.

Thursday, August 6, 2009

saying goodbye

nakakatawa. kung kelan naman sinuko ko ang lahat at sinunod ang gusto ko saka naman ako nawalan ng oras para sa pagsusulat.

ganunpaman, ang sarap humarap sa lahat ng tao na alam mong masaya ka sa takbo ng buhay mo. na ikaw ang nasusunod sa pagtupad ng mga pangarap mo.

masaya pala talaga.
kung hindi pa ko bumitaw, hindi ko mararanasan ang ganito.
totoo nga.
hindi mo malalaman ang kalalabasan ng isang bagay kung wala kang lakas ng loob na tingnan ito.
sigurado na ako.
kelangan mong pakawalan ng laman ang kamay mo para makahawak ka ng iba.

masyado na sigurong magulo ang mundo.
kung patuloy akong makikigulo rito, saan na lang pupulutin ito?
hindi ko kelangang guluhin ang sarili ko, para lang makibagay sa napakagulong mundo.

ito na ang simula...
ng PAGBABAGO.

 
patapon © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina