Wednesday, October 7, 2009

Lesson Learned from a Priest

Nangyari na ba sa buhay mo
na may isang taong sobrang pinipilit kang magsimba?

Yung tipong ang sama-sama mong tao pag hindi ka sumama.
Yung tipong akala nung taong yun isa syang anghel na ipinadala sa lupa
para iligtas ka sa kasalanan.
Yung tipong pag sumama ka
eh parang nakoronahan na sya ng “halo” sa ulo.


Sa kaso ko, OO na.
maraming beses na.

aaminin ko,
hindi ako palasimbang tao.

Pero mali ang pagsiksikan mo sa isang tao
ang diskarte mo para sa pagpapakarelihiyoso.
May iba-iba tayong pananaw kung pano maging ganito.

Siguro nga walang palya ang attendance mo sa pag-attend ng misa.

Pero hindi sapat na dahilan yun
para husgahan mo ang taong iba sa ginagawa mo ang diskarte
na mali at masama.

Baka hindi mo lang alam,
mas may takot at mas mahal nya pala
ang Dyos na sinasamba nyo kesa sa’yo.

Maaari ngang hindi mo halata o hindi mo nakikita,
pero hindi ibig sabihin nun na yun na ang basehan mo ng katotohanan.

Higit sa lahat, kung ang mga nakikita mo ang iyong sukatan, mas madali kang mahuhusgahan na puro ka lang pala palabas.

Wala sa puso ang ginagawa mo.

Para ka rin nyang lalakeng nagmahal dahil sa kagandahan ng babae.
Sa huli, wala naman palang utak at puso na mapapakinabangan.


Nakuha mo?
Sabi nga ng pari sa misa,
may tawag sa mga taong hindi tugma ang saloobin sa ginagawa.
Siguro tama na yung salitang plastic.

Pero hindi pala.

IMPOKRITO.

Yun nakuha mo.

 
patapon © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina