Sunday, February 28, 2010

having nothing to do


minsan, may mga tao talagang walang magawa.

pero, hindi ito dahilan para manggulo ka ng tahimik na buhay ng iba,

para sirain ang kasiyahan ng nakararami,

para pigilan ang pagtatagumpay ng isa.


alam mo, sa huli, walang masama kung wala kang magawa.

basta sensitibo ka lang sa mga taong gumagalaw sa paligid mo.

wala namang pumipilit sa'yo na gumawa ka.

ang akin lang, may buhay din ako.

kung wala kang magawa, sarilinin mo.

maaaring gumuho ang mundo ng isang tao dahil sa pangungulit mo nung wala kang magawa.

ngayon, wala akong pakialam kung wala kang ginagawa.
umisip ka ng paraan para maging masaya ka sa estado mong iyan.
wag lang darating sa punto na may nasasagasaan kang tao dahil sa lang dyan sa kagustuhan mo.


Monday, February 8, 2010

that's not determination, man

ayos lang naman na sumuko (sa mga tamang pagkakataon).

hindi dahil determinado kang makuha ang isang bagay ay kailangan mo nang tapakan ang iba.

mas masaya at katanggap-tanggap ang pagkapanalo kung alam mong malinis mong nakamit ang kinalalagyan mo.

mas mabuti pa ang lagay ng sumuko sa laban, at least wala kang nasagasaan.

isipin mo, paano ka magiging tunay na masaya kung alam mong may labis na nasasaktan dahil sa kagustuhan (o kasakiman?) mo?

marami pang pagkakataon.

wag mong ipakita ang kasakiman mo lalo na kung alam mong mas kailangan ng isa ang posisyon mo.

paano mo maipagmamalaki ang pwesto mo kung alam mo namang ibinigay sa'yo yan ng mga sinagasaan mo?

ano ka ba? may pakiramdam ka ba?

ok na sana kung hindi ka na nagyayabang.

ano ang ipinagmamalaki mo? yan bang premyo na nakuha mo dahil sa kasakiman mo? sa'yo na lang yan. ikaw ang mas nakakaawa kaysa sa mga taong sinagasaan mo.

 
patapon © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina