Monday, December 20, 2010


"Faith without action is nothing."

Ang pananampalatayang walang gawa ay patay. No need for elaboration.

Hindi ko kailangang sumimba araw-araw para sabihing "I believe in God."

Pwedeng nandito lang ako sa pwesto ko

pero habang sumusunod ako sa utos Nya

habang nirerespeto ko ang mga aral Nya

masasabi kong mas may silbi ako

kesa sa'yo na puro lang naman salita pero wala namang ginagawa.

Sunday, December 5, 2010

Cartoon Characters on Facebook


Hindi ko kailangang hintayin ang June 12Justify Full para maappreciate ang independence...

Hindi ko kailangang hintayin ang Nov. 1
para maalala ang mga nasa kabilang buhay na.


Sa madaling salita, hindi ko kailangan ng okasyon para ipaglaban kung ano man ang sa tingin ko ay tama.

Marami ang nagsasabi na wala namang patutunguhan ang bagong "meme" sa Facebook na palitan ang profile picture ng cartoon character para sa laban against child abuse and labor. Una, wala raw kinalaman ang cartoon character na profile picture sa pagsugpo ng child violence. Pangalawa, hindi alam kung kanino mismo nagsimula ang campaign na ito. Pangatlo, wala naman daw na okasyon patungkol sa mga bata or child violence sa mga petsang December 1 hanggang 6.

Sa mga campaigns na ganito,
hindi ko na kailangang tanungin pa kung sino ang gumawa nito.
Kung saan nagsimula ito.
Kung bakit ngayon kailangang gawin ito.
Ang isyu dito, child violence.

Wala ka mang direktang magagawa sa pagtigil ng malawakang pang-aabuso sa mga bata, ang pakikibilang mo sa ganitong mga campaigns ay may magagawang kahit konting pagbabago. Kung ayaw mong makigulo, eh di wag mo. Wag mo lang sabihin sa buong mundo na ayaw mo itong gawin. Huwag mong pagtakpan ng mga tanong mo ang pagkawala mo ng ganang tumulong. Tumahimik ka na lang kung ayaw mong makigulo. Irespeto mo na lang ang napakaraming mga tao na gustong makigulo at gustong may magawa para sa sitwasyong ito.

Sa totoo lang, hindi naman ako naniniwala na sa simpleng pagbago ko ng profile picture ko ay matitigil na ang child violence.

Ginawa ko pa rin dahil naniniwala ako na ito ang simpleng paraan para maipaalala ko sa buong mundo na gusto kong matigil ang ganitong sitwasyon...

sa simpleng pagbabago ay maaari kong imulat ang iba sa sitwasyong totoong nakakaapekto sa buhay ng maraming mga bata ngayon.

Alam kong simpleng paraan lang ito, pero kapag marami na ang gumagawa ng simpleng paraan na ito, ang simple ay nagiging makapangyarihan. Hindi man ito sa pagtigil mismo ng pang-aabuso sa mga bata pero makakatulong ito sa pagkalat ng impormasyon na maaaring makapaghikayat sa maraming tao na gumawa ng paraan para matigil ito.

Sa huli, proud pa rin akong makigulo sa campaign na ito. Wala mang linaw ang pinagmulan nito, wala mang okasyon sa mga araw na ito. Ang importante, sa simpleng bagay na ito, naipamulat ko kahit sa isang tao man lang na kailangan nang matigil ang pang-aabuso sa mga bata.

 
patapon © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina