Monday, December 26, 2011

Merry Christmas!

The feeling of being able to share is
PRICELESS.
Give,
instead of receiving.
It’s Christmas today and every other day.
GIVE.

Thursday, November 3, 2011

on patriotism


Maraming mga tao ang negatibo. Hindi lang sa pananaw kundi sa lahat ng nakikita nito.

Pero isipin mo, oo nga at maraming mga negatibong bagay sa paligid
Pero hindi ibig sabihin nitong dito na iikot ang mundo mo.

Malaki ang mundo.
Marami ang nakikigulo dito.
Kung nakikita mo ang mga negatibo
Di ba dapat may nakikita ka ring positibo?
Kung patuloy mong pagbabasehan ang mga negatibo, patuloy mo ring ididismaya ang sarili mo.
Bakit hindi ka tumingin sa mga positibo?

Maraming dahilan para ngumiti ka.

Maraming dahilan para sumaya ka.
Maraming dahilan para maging inspirado ka.
Maraming dahilan para ikataas-noo mo.

Hindi ang mga negatibong nakikita mo ang nakakasira ng kulay ng buhay mo.
Aminin mo, ang totoong nakakasira sa'yo ay ang negatibong pag-iisip at paniniwala mo.


*nabasa ko minsan sa isang blog ng isang dayuhan kung gaano sya kadismaya sa Pilipinas. Nakalulungkot na kahit marami ang katotohanan sa mga sinulat niya, maraming mga Pilipino ang sumang-ayon dito at pilit pang binabatikos ang Pilipinas. Meron pa ngang ibang ikanatutuwa na wala na sila sa Pilipinas at naninirahan na sa ibang lugar kaya hindi na nila nakikita ito. Pero, bakit ba marami sa atin ay ganito? Pag dayuhan na ang nagsabi, akala mo sobrang totoo? May mga tao na ayaw buksan ang mga mata sa positibo dahil nalunod na sila sa paniniwalang wala nang pag-asa ang bansa. Isipin mo kung ang lahat ng Pilipino ay madidismaya, sino na lang ang tutulong sa bansa? Kung lahat lang sana tayo ay may mentalidad na positibo, maaaring makatulong pa tayo. Imbes na yapakan mo ang bansa mo, bakit hindi mo na lang ipagsigawan ang mga positibo. Totoo man na maraming mga negatibo, hindi ito dahilan para sabihing lubog na tayo at wala nang pag-asa pa. Nandyan ka nga sa ibang bansa, pero isipin mo, ganyan pa rin kayaman at kaganda ang bansang yan kahit wala ka dyan.

Tuesday, October 25, 2011

on happiness or success

Sunday, October 23, 2011

beating time

Saturday, October 22, 2011

what life gives you


Wag ka nang magalit kung hindi yung gusto mo ang nakuha mo
Dahil madalas, hindi talaga yun ang ibibigay sa'yo.

Bago ka magalit, magmukmok, o magtampo,
Bakit hindi mo muna tingnan ang hawak mo?
Hindi man yan ang gusto mo, hindi ibig sabihing hindi yan ang kailangan mo.
Minsan kasi, kahit ikaw na mismo, di mo malalaman kung ano ang kailangan mo.
Kasi naman, mas tinitingnan mo ang gusto mo
kesa sa totoong kailangan mo.

Sa huli, alin ba talaga ang gusto mo?
Yung gusto mo lang talaga?
O yung totoong kailangan mo?

Thursday, October 20, 2011

knowing one's self

Maraming pwedeng sagot dito.

Pero sa huli,

ikaw lang ang makakaalam kung sino ang tama o mali.


Ikaw yung sinasabi ng iba kung totoo ang pinapakita mo.

Hindi ikaw yung pinapakita mo kung di rin lang naman ito totoo.


Ngayon, wala nang dahilan para hindi mo pa malaman ang kasagutan.


Totoo ka ba o hindi?


Kung oo, tama sila. Tama ka rin.

Kung hindi, mali ka. Mali rin sila.

Wednesday, October 19, 2011

Hope

Tuesday, October 18, 2011

Ressurection

click the image to magnify. :)

Saturday, February 12, 2011

The Brain and the Heart

Merong magaling sa love dahil sa past experiences nila.
Meron din namang magaling sa love dahil nag-iisip sila.

Nainspire ako nung mabasa ko ung A Man Named Dave ni David Pelzer. Wala mang direktang kinalaman ang mga eksaktong kataga sa libro, naisip ko lang bigla. May mga bagay kasi na kahit wala kang karanasan ay napagtatagumpayan mo dahil ginagamit mo ang utak mo. Minsan naman, instinct na lang ang kakapitan mo. Sa huli, experience is the best teacher naman talaga.

Hindi ko alam kung ano ang dapat talagang kapitan mo. Ang utak mo o ang karanasan mo? Sabi ng utak ko, pag wala kang karanasan, utak ang gamitin mo. Pag meron naman, wala namang masamang gamitin ang utak para makuha ang tamang desisyon. After all, di mo naman malalaman ang pagkatagpi-tagpi ng mga karansan mo at ng kasalukuyang sitwasyon kung wala ang utak mo.

 
patapon © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina