Thursday, November 3, 2011

on patriotism


Maraming mga tao ang negatibo. Hindi lang sa pananaw kundi sa lahat ng nakikita nito.

Pero isipin mo, oo nga at maraming mga negatibong bagay sa paligid
Pero hindi ibig sabihin nitong dito na iikot ang mundo mo.

Malaki ang mundo.
Marami ang nakikigulo dito.
Kung nakikita mo ang mga negatibo
Di ba dapat may nakikita ka ring positibo?
Kung patuloy mong pagbabasehan ang mga negatibo, patuloy mo ring ididismaya ang sarili mo.
Bakit hindi ka tumingin sa mga positibo?

Maraming dahilan para ngumiti ka.

Maraming dahilan para sumaya ka.
Maraming dahilan para maging inspirado ka.
Maraming dahilan para ikataas-noo mo.

Hindi ang mga negatibong nakikita mo ang nakakasira ng kulay ng buhay mo.
Aminin mo, ang totoong nakakasira sa'yo ay ang negatibong pag-iisip at paniniwala mo.


*nabasa ko minsan sa isang blog ng isang dayuhan kung gaano sya kadismaya sa Pilipinas. Nakalulungkot na kahit marami ang katotohanan sa mga sinulat niya, maraming mga Pilipino ang sumang-ayon dito at pilit pang binabatikos ang Pilipinas. Meron pa ngang ibang ikanatutuwa na wala na sila sa Pilipinas at naninirahan na sa ibang lugar kaya hindi na nila nakikita ito. Pero, bakit ba marami sa atin ay ganito? Pag dayuhan na ang nagsabi, akala mo sobrang totoo? May mga tao na ayaw buksan ang mga mata sa positibo dahil nalunod na sila sa paniniwalang wala nang pag-asa ang bansa. Isipin mo kung ang lahat ng Pilipino ay madidismaya, sino na lang ang tutulong sa bansa? Kung lahat lang sana tayo ay may mentalidad na positibo, maaaring makatulong pa tayo. Imbes na yapakan mo ang bansa mo, bakit hindi mo na lang ipagsigawan ang mga positibo. Totoo man na maraming mga negatibo, hindi ito dahilan para sabihing lubog na tayo at wala nang pag-asa pa. Nandyan ka nga sa ibang bansa, pero isipin mo, ganyan pa rin kayaman at kaganda ang bansang yan kahit wala ka dyan.

 
patapon © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina