TRIVIA: noong estudyante pa 'ko, ayaw na ayaw kong magsulat sa wikang ganito. Pakiramdam ko kasi, masyadong lumalalim ang mga bagay na gusto ko sanang isulat ng simple.
TANONG: ano ang nangyari?
SAGOT: noong inumpisahan ko kasi ang blog na ito, gusto ko lang namang magkaroon ng ibang timpla ang mga ginagawa ko. Nagusulat kasi ako noon para sa isang kumpanya ng mga sasakyan. Nakakasawang mag-isip at gumawa sa Ingles. Araw-araw na lang, kung baga. Para kasing lahat na ng mga salita sa diksyunaryo ay nagamit ko na. Kailangan ko ng bak-up para hindi maubos ang mga Ingles ko. Nakakatawa ngang isipin, kahit ayaw na ayaw kong magsulat sa Filipino, hahanap-hanapin ko palang sumulat nito dahil lang sa pagkasawa ko sa isa.
SA MADALING SALITA: ang sarap palang magsulat sa sarili kong lenggwahe. Period.