ako ang batang di mahilig sa gulay. (correction, di pala kumakain)
ewan ko kung bakit. mapilit din naman ang mga magulang ko noon. katunayan, binabayaran pa nga ako ng papa ko sa bawat piraso ng gulay na kakainin ko noon para lang kumain talaga ako. (totoo 'to, promise!) pero hindi rin nagtagal ang bayaran at hindi rin nagtagal ang pagkain ko nito. ayun, nasanay na ang panlasa kong wala ito. pero noong grade 4 ako (feeling ko, naisahan ako ng mama ko, titser ko kasi sya), di ko akalaing magagawa nyang magbigay ng assignment na maglista ng lahat ng gulay na kinakain mo tapos kailangang papirmahan sa magulang! para akong natraydor! syempre, di ko naman yun pwedeng dayain. sya kasi ang pipirma at sya rin ang magchecheck. san ka pa? kinaumagahan sa klase, nagyayabangan ang lahat. ako, tahimik lang. pero hindi pa rin ako natinag, wala pa ring pagbabago sa sistema ng pagkain ko.
hanggang ngayon. lalo na ngayon. malayo ako sa mga magulang ko kaya walang pumipilit sa'kin na kumain ng gulay. ang mga tita kong kasama sa bahay ngayon, parang suportado ako. alam na nila na hindi pwedeng ilapit sa'kin ang gulay. (masaya) sabi nga nila, kung nagkataon daw na napasok ako sa pbb house ngayon, lagot ako kay big brother (kasi di ba pinipilit ang mga housemates na kumain ng gulay doon?)
ngayong mga oras na ito, hindi ko pa rin alam kung kelan ako matututong kumain nito.
oo, alam ko. maraming mabuting naidudulot ang gulay. pero buhay pa naman ako hanggang ngayon. ibig sabihin, hindi nakakamatay ang hindi pagkain ng gulay. at isa pa, sabi ng astig na writer na si Bob Ong sa libro nyang "Ang Paboritong Libro ni Hudas"(actually kaya paborito ko sya kasi sa sinabi nyang ito), "bakit ko kailangang kumain ng gulay? kung kabayo sana ako, oo. marami rin namang ibang pagkain dyan na makapagbibigay ng sustansyang katulad din ng gulay." yan ang sabi nya, pero di gaanong ganyan, di ko kasi masyadong namemorya.
pero sa kahuli-hulihan, gusto ko rin namang kumain ng gulay. alam ko rin naman ang mangyayari sa akin pag hindi ko iyon nagawa. kaya nga sinisimulan ko na ngayon. meron na akong isang gulay (ewan kung gulay ba talaga 'to) na kinakain kahit walang namimilit sa akin. patatas. french fries. (achievement!)

2 ang nakapulot:
hai. hai. hai. kelangan b talga may kapalit ang laht ng bagay sa mundo? :) kung di lang talga sa blog. hai... kung iisipin, d talaga ako sang ayon sa hindi pagakin ng gulay, kasi medyo 'vegetarian' talga ako. medyo lang tati, hilig din ako meat and fish.. :) buti n lang at mabait akong bata.(d tulad ng ibang tao jan). hehehehe. magbagong buhay k n kapatid, tingnan mo at katawan mo ay katulad n ng kay kristina. :) hahahahahahahah. mahaba n ito. bayad n ako. sa uulitin :)
FYI: ang gulay ay hindi pmptaba..pmphaba xa ng buhay..pra sa mga vegetarian out there, pki check kung ang gulay sa yong pinggan ay “WORM FREE”..minsan kasi nluluto ang worm ksabay ng gulay..pero don’t worry kasi hindi nmn sila poisonous..nk2pag cause lng gn sever ailments such as sa UTAK..minsan nmn nk2pgcause ng topak..kya sometimes hesitant tlga ako kumain ng gulay..haha. but Im not against sa gulay..In fact my MOTTO is: VEGGIE, VEGGIE GOOD…REMEMBER: MAKULAY ANG BUHAY SA SINABAWANG GULAY..enaf n..d ko n alm pngsa2bi ko..babu..
Post a Comment