Tuesday, April 22, 2008

gusto kong maging ____________*

grade 1: di ko maalala kung grade 1 talaga ako noon (basta elementary pa yun), tuwing magtatanong ang titser ko kung ano ang gusto naming maging paglaki, lagi kong sinasagot na "gusto kong maging guro." Ewan ko kung bakit. siguro dahil yun lang ang alam kong propesyon (dati) o siguro dahil na rin sa titser ang mama ko at ang karamihan sa mga kapitbahay namin noon.

grade 5: nag-enjoy ako masyado sa astronomy. ayun, naisp ko tuloy na maging astonaut (hehe). inisip ko kung ano bang kurso ang kukunin ko para maging astronaut ako. meron kaya rito nun sa Pinas?

grade 5 pa rin: masarap magklase sa science kaya sumagi rin sa isip ko ang pagiging scientist. kaso katulad ng astronaut, di ko rin alam kung anong kurso ang kukunin para pagnakagraduate ka eh scientist ka na.

high school: naalala ko, kelangang ilagay sa yearbook kung ano ang gusto mong maging propesyon. lakas-loob kong sinulat ang "duktor" kahit alam kong hindi iyon ang kursong binabalak kong kunin.

may 2004: walang kaalam-alam kong inenrol ang sarili ko sa journalism. di ko alam kung bakit, basta ang alam ko lang, mahilig akong magsulat. yun lang!

4th year college: graduating ako, mga ilang buwan na lang, nasabi ko sa ilang mga kaibigan ko na kung bago pa ako mag-enrol sa college eh alam ko na may kursong chemical engineering sa school na pinapasukan ko, yun sana ang kinuha ko. para kasing mas malapit iyon sa katotohanan ng pagiging scientist.

4th year pa rin: December. bakasyon noon. may inalok ang papa kong trabaho. pinakilala nya sa'kin ang isang publisher ng isang pahayagan sa Maynila. pwede raw akong pumasok don.

4th year as usual: December o January yun. lunchtime. nag-usap-usap ang barkada. sabi ko, bukas ang pinto ko upang sumabak sa pagiging call center agent. sila rin. naplano na namin ang lahat. ayun, lahat ng kaharap ko sa mesa, agents na ngayon. ako, hindi.

march 2008: ilang araw bago maggraduation. natanggap ako sa trabaho bilang isang web content writer. doon pumasok sa isip ko na masya ako sa kinalalagyan ko. masaya ako dahil ang magsulat pala talaga ang buhay ko.

april 2008: lampas isang buwan na ako sa trabaho ko. ayaw kong umalis kahit parang namumulubi na ako. mahirap yakapin ang propesyong hindi mo naman mahal. mahal ko ang pagsusulat.

future: kung sakali mang gusto kong mabago ang trabaho ko, magsusulat pa rin ako. yun nga lang, gusto kong tahakin ang mundo ng media. journalism ang tinapos ko, mas magiging makabuluhan ang buhay ko kung yun ang gagawin ko.

isa pang future: magtatayo ako ng publikasyon. bukod kasi sa pangarap ko na maging journalist/writer/editor, pangarap ko ring mabasa ang pangalan ko bilang "publisher" at may mas malalim pa roong dahilan. kaya sa mga kaibigan, kaklase, kakilala, o katrabaho na nais makisosyo sa itatayong publikasyon, kontakin lamang ako. hehe (pero seryoso!)

7 ang nakapulot:

Anonymous said...

yaay!! at least my job kana.. hehe.. U didnt go through the period of at least being officially jobless!!! hehehe.. Kip up the gud work!! have some pity on the more English speaking friends of urs!!! hehehe..

as always, rock on!!

lotsa love and kisses!!

XOXOXO

Ur femme Fatalle

Kim Kimero said...

ayos baga ang comment ni fren.:D

noemee jane said...

dunhillllllllll!!!!!!!!!!

ndi kita pinapacomment sa "comments!" sana lang! hahahahaha

Julius Bariso said...

there's sincerity and honesty in this blog. i like it!

Anonymous said...

bakit, saan mo ba ako pinapakcomment?wahahahaha.:D

noemee jane said...

basta ka lang talaga dunhill!!!

Anonymous said...

super sawsaw..

nyahaha! ayan, nakisingit na naman ako. ako na ang ngvolunteer na mgrepresent sa iba pa nating kaibigan, akalain ,mo yun?! wala namang nga kwenta ang comments sau, narealize ko tuloy sinayang ko lang ang perang binayad ko sa computer shop.. kaasar yun! nyahahaha! hindi, actuali, natutuwa ako sa mga nagawa mo. magaling ka talagang bata kahit kelan.. kay let, thank you for believing in me.. nyahahaha..

 
patapon © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina