Saturday, January 30, 2010

decision making


kung patuloy mong pagsisisihan ang bawat desisyon mo,
matatakot ka nang gumawa ng sarili mong desisyon.



ngayon, mas makakabuti ang pagtanggap
sa kung ano man ang nangyayari,
maganda man ito o hindi.

sa huli,
malalaman mo rin
kung bakit naging ganun ang iyong desisyon,
kung bakit ganun ang kinahinatnan nito.

isipin mo,
sa mga aral pa lang na natutunan mo,
panalo ka na.
kahit na hindi iyon ang inaasahan mong mangyari,
matututo at matututo ka pa rin.

yun ang mas importante.
kesa naman matagumpay ka nga at masaya,
mabababaw naman ang mga natutunan mo.



bakit yan ang naging desisyon mo?

SIMPLE.

dahil may isang bagay
na kailangan mong matutunan
na kailanman ay hindi mo makukuha
kung naging iba (kahit konti lang)
ang naging desisyon mo.

Monday, January 18, 2010

on being responsible

para saan pa ang buhay mo kung susunod ka lang sa agos ng nakararami?
para saan pa ang sarili mong utak kung patuloy mo lang namang tatalikuran ang iyong mga desisyon?
para saan pa ang iyong mga kamay kung kahit ang gusto mong hawakan ay di mo kayang abutin?
para saan pa ang talino mo kung patuloy ka lang magpapaalipin sa mga may hawak ng kapangyarihan?

-kung ang bawat tao ay magiging responsable sa mga bagay na meron tayo, hindi na sana magiging ganito kagulo ang mundo.

-kung ang bawat tao ay kayang irespeto ang pagkakaiba-iba ng bawat tao, magiging mas tahimik sana ang mundo.

-kung ang bawat tao ay kayang tingalain ang tagumpay ng iba, wala sanang maraming problema.

-kung ang bawat tao ay kayang makita ang mali, ibang mundo sana ang ating ginagalawan.

-kung ang bawat tao ay kayang maglingkod ayon sa kabutihan ng nakararami, mas maunlad sana ang mundong ating ginagalawan.

may dahilan kung bakit tayo ganito.

hindi kailangang gayahin mo ang iba para tanggapin ka ng mundo.

gawin mo kung ano ang ayon sa kalooban at desisyon mo.

walang alipin kung walang magpapaalipin.

walang manloloko kung walang magpapaloko.

walang mayaman at mahirap kung lahat tayo'y kumikilos.

walang malayo kung kaya mong humakbang.

walang imposible kung kaya mangangarap ka.

walang pangarap kung may ginagawa ka.

sa huli, nasa tao rin ang kahahantungan ng buhay nya.

maging responsable.

lalo na ngayon,

malapit na ang eleksyon.

 
patapon © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina