-kung ang bawat tao ay magiging responsable sa mga bagay na meron tayo, hindi na sana magiging ganito kagulo ang mundo.
-kung ang bawat tao ay kayang irespeto ang pagkakaiba-iba ng bawat tao, magiging mas tahimik sana ang mundo.
-kung ang bawat tao ay kayang tingalain ang tagumpay ng iba, wala sanang maraming problema.
-kung ang bawat tao ay kayang makita ang mali, ibang mundo sana ang ating ginagalawan.
-kung ang bawat tao ay kayang maglingkod ayon sa kabutihan ng nakararami, mas maunlad sana ang mundong ating ginagalawan.
may dahilan kung bakit tayo ganito.
hindi kailangang gayahin mo ang iba para tanggapin ka ng mundo.
gawin mo kung ano ang ayon sa kalooban at desisyon mo.
walang alipin kung walang magpapaalipin.
walang manloloko kung walang magpapaloko.
walang mayaman at mahirap kung lahat tayo'y kumikilos.
walang malayo kung kaya mong humakbang.
walang imposible kung kaya mangangarap ka.
walang pangarap kung may ginagawa ka.
sa huli, nasa tao rin ang kahahantungan ng buhay nya.
maging responsable.
lalo na ngayon,
malapit na ang eleksyon.
Monday, January 18, 2010
on being responsible
para saan pa ang buhay mo kung susunod ka lang sa agos ng nakararami?
para saan pa ang sarili mong utak kung patuloy mo lang namang tatalikuran ang iyong mga desisyon?
para saan pa ang iyong mga kamay kung kahit ang gusto mong hawakan ay di mo kayang abutin?
para saan pa ang talino mo kung patuloy ka lang magpapaalipin sa mga may hawak ng kapangyarihan?
Labels:
realizations
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 ang nakapulot:
Post a Comment