Monday, May 24, 2010

On Making A Choice


May mga bagay na kahit hindi natin ginusto, talagang mangyayari.

Katulad na lang ng pagtanghal ng isang presidente.

Gaano mo man ipinagdasal na manalo ang manok mo, sa huli, mananalo pa rin ang nakakuha ng simpatya ng nakararami.

Ngunit, hindi ito dahilan para hindi suportahan ang mga bagay na nangyayari.

Wala man ito sa plano mo, mas mabuting maniwala tayo na alam ng Diyos ang mas makabubuti.


Dahil dito, hindi mo na kailangan pang magrebolusyon.

Sa huli, ang mga taong katulad mo na hindi kayang tanggapin ang mga nangyayari sa paligid ang makasisira ng mga magaganda sanang mangyayari.

Nang dahil sa pagkontra mo, maraming mga bagay ang pwedeng mangyari.

Ang masama pa nito, hindi laging maganda ang nagiging resulta ng pakikipagrebolusyon mo.


Ayan, tingnan mo, may bago na tayong mga pinuno.

Hindi pa man nila nasisimulan ang kanilang mga termino,

ang dami mo na kaagad na sinabi.


Pwede bang maghintay ka na mapatunayan nilang tama o mali ka bago ka gumawa ng hakbang?

Sa huli, hindi lahat ng gusto mo ay makabubuti.

Lalo na kung bansa na ang pinag-uusapan.


Hindi ko sinasabi na magaling ako. Hindi nanalo ang manok ko sa pagkapresidente.

Pero sa ngayon, maghihintay at tatahimik muna ako.

Kasi baka dumating ang araw na kainin ko lahat ng sinabi ko.

0 ang nakapulot:

 
patapon © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina