hindi naman nakamamatay ang hindi mag-aral.
ang dami kayang taong walang pakialam
kung pumasok man sa eskwela o hindi.
diskarte lang daw ang puhunan.
ayun, may iba nga namang nagtatagumpay.
ang dami kayang taong walang pakialam
kung pumasok man sa eskwela o hindi.
diskarte lang daw ang puhunan.
ayun, may iba nga namang nagtatagumpay.
kaso, hanggang saan aabot ang diskarte mo kung ang mundo mong ginagalawan ay madaling humusga?
kung ang mga tao sa paligid mo ay mababa ang tingin
sa mga bakante mong kamay
at mataas sa mga nakakahawak ng diploma.
sa huli, madiskarte ka man at magaling,
hindi nito mapupunan ang estado ng edukasyon mo.

oo, buhay ka nga.
madiskarte.
piniling di mag-aral.
may trabaho.
may pera.
pero, isipin mo,
kung yang mga oportunidad na yan ay nailatag sa harap mo sa estado mong yan,
ano pa kaya kung mayroon kang pinag-aralan?
hindi lang siguro doble o triple ang darating para sa buhay mo.
pero, kung di ka na nangangarap pa,
eh di wala ka ng problema.
dyan ka na lang sa pwesto mo.

0 ang nakapulot:
Post a Comment