Hindi ko kailangang hintayin ang June 12 para maappreciate ang independence...
Hindi ko kailangang hintayin ang Nov. 1
para maalala ang mga nasa kabilang buhay na.
Sa madaling salita, hindi ko kailangan ng okasyon para ipaglaban kung ano man ang sa tingin ko ay tama.
Marami ang nagsasabi na wala namang patutunguhan ang bagong "meme" sa Facebook na palitan ang profile picture ng cartoon character para sa laban against child abuse and labor. Una, wala raw kinalaman ang cartoon character na profile picture sa pagsugpo ng child violence. Pangalawa, hindi alam kung kanino mismo nagsimula ang campaign na ito. Pangatlo, wala naman daw na okasyon patungkol sa mga bata or child violence sa mga petsang December 1 hanggang 6.
Sa mga campaigns na ganito, hindi ko na kailangang tanungin pa kung sino ang gumawa nito. Kung saan nagsimula ito. Kung bakit ngayon kailangang gawin ito. Ang isyu dito, child violence.
Wala ka mang direktang magagawa sa pagtigil ng malawakang pang-aabuso sa mga bata, ang pakikibilang mo sa ganitong mga campaigns ay may magagawang kahit konting pagbabago. Kung ayaw mong makigulo, eh di wag mo. Wag mo lang sabihin sa buong mundo na ayaw mo itong gawin. Huwag mong pagtakpan ng mga tanong mo ang pagkawala mo ng ganang tumulong. Tumahimik ka na lang kung ayaw mong makigulo. Irespeto mo na lang ang napakaraming mga tao na gustong makigulo at gustong may magawa para sa sitwasyong ito.
Sa totoo lang, hindi naman ako naniniwala na sa simpleng pagbago ko ng profile picture ko ay matitigil na ang child violence.
Ginawa ko pa rin dahil naniniwala ako na ito ang simpleng paraan para maipaalala ko sa buong mundo na gusto kong matigil ang ganitong sitwasyon...
sa simpleng pagbabago ay maaari kong imulat ang iba sa sitwasyong totoong nakakaapekto sa buhay ng maraming mga bata ngayon.
Alam kong simpleng paraan lang ito, pero kapag marami na ang gumagawa ng simpleng paraan na ito, ang simple ay nagiging makapangyarihan. Hindi man ito sa pagtigil mismo ng pang-aabuso sa mga bata pero makakatulong ito sa pagkalat ng impormasyon na maaaring makapaghikayat sa maraming tao na gumawa ng paraan para matigil ito.
Sa huli, proud pa rin akong makigulo sa campaign na ito. Wala mang linaw ang pinagmulan nito, wala mang okasyon sa mga araw na ito. Ang importante, sa simpleng bagay na ito, naipamulat ko kahit sa isang tao man lang na kailangan nang matigil ang pang-aabuso sa mga bata.
hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala. wala akong karapatang husgahan ka at ganun ka rin dapat sakin. marami ka mang gustong malaman, sana nag-iisip ka rin minsan. hindi lahat katulad mo, hindi lahat nag-iisip kagaya mo, hindi lahat nabubuhay ng tulad ng sa'yo isa lang ang gusto ko sanang iparating, maging sensitibo ka. hindi lang ito para sa'yo. MAGING SENSITIBO TAYO. maraming nasasaktan ng dahil sa mga tanong mo, sa mga komento mo. maraming gumuguho ang mundo dahil sa simpleng sinabi mo. kung naging maingat ka lang sana, baka naging inspirasyon ka pa. baka nakatulong ka pa. mas mabuting maging mapanuri muna tayo at mag-isip bago pa man bumuka ang ating mga bibig.
hindi naman nakamamatay ang hindi mag-aral. ang dami kayang taong walang pakialam kung pumasok man sa eskwela o hindi. diskarte lang daw ang puhunan. ayun, may iba nga namang nagtatagumpay.
kaso, hanggang saan aabot ang diskarte mokung ang mundo mong ginagalawan ay madaling humusga? kung ang mga tao sa paligid mo ay mababa ang tingin sa mga bakante mong kamay at mataas sa mga nakakahawak ng diploma.
sa huli, madiskarte ka man at magaling, hindi nito mapupunan ang estado ng edukasyon mo.
oo, buhay ka nga. madiskarte. piniling di mag-aral. may trabaho. may pera. pero, isipin mo, kung yang mga oportunidad na yan ay nailatag sa harap mo sa estado mong yan, ano pa kaya kung mayroon kang pinag-aralan? hindi lang siguro doble o triple ang darating para sa buhay mo.
pero, kung di ka na nangangarap pa, eh di wala ka ng problema. dyan ka na lang sa pwesto mo.
"hindi mo na lang sana binigay kung babawiin mo lang pala."
aminado ako, isa ako sa mga sumusuporta para maibalik ang korona sa itinanghal na Bb. Pilipinas-Universe 2010 na si Ma. Venus Raj. Hindi ito dahil Bicolana rin ako o taga-BU rin ako. Simple lang naman, katulad ng maraming tao sa mundo, nakikita ko na nararapat sa kanya hindi lang ang titulo o ang korona, kundi ang respeto ng mga tao sa likod ng pageant.
para sa organizers. ilang taon na po ba kayo sa business na yan? ilan na bang beauty queens ang napatalsik nyo? hindi naman siguro ito ang unang pagkakataon na humawak kayo ng ganitong bagay. matagal na rin siguro kayong nagbibingi-bingihan sa sigaw ng maraming mga taga suporta ni Ms. Raj. "Bakit ngayon lang lumabas ang isyu na yan? Hindi ba dapat may screening before the pageant?" Simple lang naman ang mensahe. Kung gusto nyo pong kunin ang respeto ng tao, dapat po sana maayos ang lahat before, during, and after the pageant. Inconsistent ang records ni Venus? ibabalik ko po ang tanong, consistent po ba kayo sa likod ng programa? ***i don't mean to offend the organizers of the pageant but i believe they must practice due process with regards to the case. if by any chance they win, you can hear no more talks or complaints from us. but, that is only if that due process is fair enough.
para kay Ms. Henson. wala ako sa posisyon para sabihing you do not deserve the crown. the judges have spoken during the coronation night. marami ka na sigurong naririnig mula sa mga supporters ni Ms. Raj. if you want to prove us wrong...if you want to show the world you deserve what Ms. Raj got, bring home the Miss Universe title for this year. It's a challenge you must take seriously. if not, you know what the whole Philippines will tell you. But, i really have nothing against you. it is not your fault that you came 2nd runner up or even the 1st runner up to be just 17. (to Ms. Henson's supporters: i know you love her just like how we love Ms. Raj. just put your feet in our shoes, you will understand. =)
para kay Venus. i do believe that you deserve the crown more than anyone else and you will be a worthy contender in the upcoming international pageant. kung ano man ang kahihinatnan ng laban mo, stay strong. you are such a talented, intelligent, and nice person to be dumped just like that. God has BETTER and BIGGER things in store for you.
pero, hindi ito dahilan para manggulo ka ng tahimik na buhay ng iba,
para sirain ang kasiyahan ng nakararami,
para pigilan ang pagtatagumpay ng isa.
alam mo, sa huli, walang masama kung wala kang magawa.
basta sensitibo ka lang sa mga taong gumagalaw sa paligid mo.
wala namang pumipilit sa'yo na gumawa ka.
ang akin lang, may buhay din ako.
kung wala kang magawa, sarilinin mo.
maaaring gumuho ang mundo ng isang tao dahil sa pangungulit mo nung wala kang magawa.
ngayon, wala akong pakialam kung wala kang ginagawa. umisip ka ng paraan para maging masaya ka sa estado mong iyan. wag lang darating sa punto na may nasasagasaan kang tao dahil sa lang dyan sa kagustuhan mo.
ayos lang naman na sumuko (sa mga tamang pagkakataon).
hindi dahil determinado kang makuha ang isang bagay ay kailangan mo nang tapakan ang iba.
mas masaya at katanggap-tanggap ang pagkapanalo kung alam mong malinis mong nakamit ang kinalalagyan mo.
mas mabuti pa ang lagay ng sumuko sa laban, at least wala kang nasagasaan.
isipin mo, paano ka magiging tunay na masaya kung alam mong may labis na nasasaktan dahil sa kagustuhan (o kasakiman?) mo?
marami pang pagkakataon.
wag mong ipakita ang kasakiman mo lalo na kung alam mong mas kailangan ng isa ang posisyon mo.
paano mo maipagmamalaki ang pwesto mo kung alam mo namang ibinigay sa'yo yan ng mga sinagasaan mo?
ano ka ba? may pakiramdam ka ba?
ok na sana kung hindi ka na nagyayabang.
ano ang ipinagmamalaki mo? yan bang premyo na nakuha mo dahil sa kasakiman mo? sa'yo na lang yan. ikaw ang mas nakakaawa kaysa sa mga taong sinagasaan mo.
TRIVIA: noong estudyante pa 'ko, ayaw na ayaw kong magsulat sa wikang ganito. Pakiramdam ko kasi, masyadong lumalalim ang mga bagay na gusto ko sanang isulat ng simple.
TANONG: ano ang nangyari?
SAGOT: noong inumpisahan ko kasi ang blog na ito, gusto ko lang namang magkaroon ng ibang timpla ang mga ginagawa ko. Nagusulat kasi ako noon para sa isang kumpanya ng mga sasakyan. Nakakasawang mag-isip at gumawa sa Ingles. Araw-araw na lang, kung baga. Para kasing lahat na ng mga salita sa diksyunaryo ay nagamit ko na. Kailangan ko ng bak-up para hindi maubos ang mga Ingles ko. Nakakatawa ngang isipin, kahit ayaw na ayaw kong magsulat sa Filipino, hahanap-hanapin ko palang sumulat nito dahil lang sa pagkasawa ko sa isa.
SA MADALING SALITA: ang sarap palang magsulat sa sarili kong lenggwahe. Period.