Tuesday, July 21, 2009

no more calls

bakit kung kelan nandito na, tsaka naman nakakapanghinayang.
bakit noong malayo pa, lagi namang naghihintay.
pero ayaw ko na.
tapos na.
manghinayang man ako, wala nang bawian.
totoo na 'to.
may dahilan kung bakit ganito.
malalaman mo rin na tama ako.
...no more calls to come...

Sunday, July 19, 2009

puzzle beater


paghiwa-hiwalayin mo man, magagawan pa rin ng paraan para mabuo muli.
wag mo lang iwawala ang mga piraso...
pag nagkataon, malaking problema. SIGURADO.

Tuesday, July 14, 2009

ice cream treat

ice cream. may rason para magcelebrate. isang taon na ako sa trabaho ko. congratz sa akin.
...napatunayan kong mahaba pala talaga ang pasensya ko. bakit? dahil nagtagal ako nang ganito katagal.
... kung ayaw, maraming dahilan. pero minsan, kahit ang mga pinakamabigat nang dahilan ang nasa likod mo, wala ka pa ring magagawa para umalis na lang
...kung gusto, maraming paraan. may mga paraang nauubos din. hindi lahat kayang gawan ng paraan, kahit sobrang gusto mo pa to.
kelangan pa bang magcelebrate? hindi na ako maghihintay na dumami pa ang mga taon ko sa trabaho kong ito. araw na lang ang bibilangin ko. sa wakas, laya na ko.

Tuesday, July 7, 2009

who is he?


Matagal na rin akong naghihintay ng susunod na kwentong barbero ni bob ong. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit sa tagal ng paghihintay ko parang nahuli pa ako sa balita sa bago nyang libro? Mabuti na lang kamo at napadpad ako sa NBS. Ayun, nakaadvertise bilang #2 best selling book for non fiction. Kaso, nalibot ko na ang buong bookstore, wala akong makitang kopya.

Hindi ako nawalan ng pag-asa. Nagtanong ako sa saleslady, sabi nya out of stock na raw. Walang bagong delivery. Bad trip. Hindi ako makatulog noong araw na yun, pinapatay na ako ng adiksyon ko.

Ayun, nakakuha rin ako ng kopya kinabukasan. Kaso wala akong oras para magbasa. Sa madaling salita, sa kinabukasan pa noong araw na yun ko nabasa. Dalawang oras lang ang itinagal ng mga pahina. Di ko namalayan, lumilipad na pala na parang ibon ang batang si Ging-Ging. Tapos na ang kwento.

Ganunpaman, ang KAPITAN SINO, parang kwentong katulad ng Mac Arthur. Nobela. Pero, astig pa rin. Marami pa ring nakakatawa. Marami pa rin akong natutunan. Marami talagang mga puntong nagpapamulat sa katotohanan, hindi man maniwala ang mga nakakakita ng libro na may ganung klase palang laman ito.

Katulad ng pagkasilver ng cover nito, parang bagong pag-asa.

Pero natutunan ko ang pinakaastig na sagot sa tanong na anong gagawin mo? Anong ibabahagi mo? --- “kung ano ang kaya ko.”

Sa huli, hindi kailangan ng pangalan para tumulong, kahit hindi Kapitan Sino ang pangalan nya, kahit pa Super Strength, ang importante, nagbibigay ka ng tulong base sa kung ano ang kaya mo.

Salamat Rogelio. Salamat Kapitan Sino. Salamat Bok-bok. Salamat Tessa. Salamat Ging-Ging. At super salamat kay Bob Ong. Oo nga, ito ang totoo.


Wednesday, July 1, 2009

Til when should I wait?


bago ako mag-umpisa, binigyan ko na ng limitasyon ang sarili ko. alam kong kailangan kong huminto sa oras na ako na mismo ang nagtalalaga. pero para akong tanga na pinagtaksilan ang sarili kong mga utos. heto ako ngayon, malapit nang dumating sa sukdulan. sana hindi ko pagsisihan.

hanggang kailan ko ba pahahabain nang pahahabain ang oras? hanggang kailan ko kaya kayang pagtaksilan ang sarili kong mga pangarap? hanggang kailan ko kaya kayang magpanggap na ayos lang ang lahat, na masaya ang ganito?

hay, di ko rin maintindihan ang sarili ko. lunod na lunod na ako sa trabaho ko. gusto ko na nga lang matulog hanggang sawa na 'ko. ang sarap manood ng tv hanggang sumakit ang mga mata ko. ang sarap magbasa ng libro hanggang sa maubos na ang mga pahina. nakakainggit ang iba. sila, walang nagsasabing ganito ang dapat gawin. wala silang oras na dapat habulin, walang tulog na dapat putulin, walang salita na dapat baguhin.
baliktad na naman ang mundo. alam kong marami ang walang trabaho. maraming may trabahong sobrang bigat ng kailangang gawin. maraming may trabahong hindi nabibigyan ng sapat na kapalit. maraming tao ang gustong magkatrabaho. maraming may trabahong gusto ng trabaho ko. pero heto ako, naghihintay sa pagdating ng tamang panahon....

sa tagal ng paghihintay ko, heto ang mga natutunan ko:


- maraming bagay ang kailanman ay di mo malalamang posible pala kung di ka ganun katiyagang maghintay sa pagsapit nito.


- kahit di mo gusto ang ginagawa mo, para sa ikabubuti ng nakakarami, pipilitin mong gawin na lang ng walang sinasabi.

- kahit gaano ka kadeterminado na magtagumpay, kung wala kang inspirasyon, babagsak ka rin sa huli.

- kahit gaano karami ang benepisyo ng isang bagay, kung wala ang puso mo dito, papangarapin mo paring lumayo at iwan ito.

- hindi dahil matagal ka na sa lugar ay mahal mo na ito, pwede rin namang kinakailangan mo lang talagang manatili dito.

- may mga taong determinadong magbago, pero madalas takot sila sa pagbabago. ayun, sa huli, wala rin namang magbabago. patuloy na lang silang makukulong sa bagay na hindi nila gusto, na hindi nila kayang iwan.

- masarap pag bagong sweldo, pero wala nang mas sasarap pa kapag nakikita mong may natutulungan kang iba sa perang pinagpaguran mo.

- may mga tao talagang mapagsamantala. likas na pala sa mundo yun.

- may mga taong nabulag ng kapangyarihan.

- mas masarap magtrabaho kapag marami kang kaibigan kaysa sa mga katrabaho lang.

- mas masarap maging empleyado kaysa maging boss. Naku, ok na ang simpleng manggagawa kaysa naman nasa taas ka nga, bulag ka naman sa katotohanan. At dahil dun, BOSS ka nga nila, pero hinding-hindi magiging kaibigan.

- walang trabahong madali.

-sa trabaho, mas nakakapagod pag nakatunganga ka lang.

- pag hindi ako nagtatrabaho, nahihiya ako sa mga pulitiko. Sayang ang buwis na ibabayad sa kikitain ko. Pamasahe rin nila yun.

- ok lang sana ang magbayad ng buwis, basta maganda ang serbisyo sa mga government offices. Basta tama ang pakikitungo nila sa'yo. Baka di nila alam, sa buwis na binabayad ko at ng mga katulad ko nanggagaling ang pera sa bulsa nila.

- ok lang sana ang magbayad ng buwis, basta sa kalsada at hindi sa bulsa ng kung sinu-sino napupunta.

TAMA NA ANG NATUTUNAN KO. MUKHANG MARAMI NA. PERO MALAMANG MAY PART TWO ITO. Susunod yun, for sure. KAPAG LUMAYAS NA ANG KATAMARAN SA BUHAY KO....

 
patapon © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina