Tuesday, November 9, 2010

on respecting people


hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala.
wala akong karapatang husgahan ka at ganun ka rin dapat sakin.
marami ka mang gustong malaman, sana nag-iisip ka rin minsan.
hindi lahat katulad mo, hindi lahat nag-iisip kagaya mo, hindi lahat nabubuhay ng tulad ng sa'yo
isa lang ang gusto ko sanang iparating, maging sensitibo ka.

hindi lang ito para sa'yo.
MAGING SENSITIBO TAYO.
maraming nasasaktan ng dahil sa mga tanong mo, sa mga komento mo.
maraming gumuguho ang mundo dahil sa simpleng sinabi mo.
kung naging maingat ka lang sana, baka naging inspirasyon ka pa.
baka nakatulong ka pa.
mas mabuting maging mapanuri muna tayo at mag-isip bago pa man bumuka ang ating mga bibig.

 
patapon © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina