Saturday, November 22, 2008

"don't shout to strangers!"


hindi mo kailangang sumigaw para lang maintindihan kita.

kahit ang pinakamahinang bulong ay maiintindihan ko, sana alam mo yun.

at isa pa, hindi dahil sumisigaw ka ay tama at mataas ka, hindi mo ba napansin, kinakailangang mong sumigaw para makuha lang ang atensyon ng iba o bigyan ng takot ang iba para sa sarili mong intensyon, pero sa totoo wala naman talagang kwenta ang mga salitang lumalabas sa bibig mo.

sana marunong kang mahiya, o kung ayaw mo, kahit konting respeto naman. tao rin ang kausap mo! hindi lang ikaw ang taong kakausapin ko, marami pang iba. kung ayaw mong magpapigil sa pagtaas ng boses mo, sana naman wag sa tenga ko, may mga pangarap din ako, katulad mo.

--hay, hirap makipagsabayan sa mga irate callers!





1 ang nakapulot:

Anonymous said...

Tama k! pero hdi lng amg mga irate callers ang sumisigaw...Kgaya ku hinding hindi mu rin malilimutan ang mga taong mas malakas pa sa sigaw ang mga bulong-bulungan!" San Paulino St. Tagas Daraga Albay" don lng un...

 
patapon © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina