Saturday, June 21, 2008

“I’m missing more my workmates than my work…”


Dati, takot pa akong magtrabaho kasi baka hindi ako makasabay sa mga taong propesyunal na kung kumilos. Nakakatakot maramdamang nag-iisa ka lang at walang nakakaintindi sa kinikilos mo. Nakakahiya ring basta na lang ialok ang iyong kamay sa mga katrabaho para makipagkilala. Sa madaling salita, sa tatlong buwan na pananatili ko sa kumpanyang unang nagtiwala sa aking kakayahan, nabibilang lang ang mga taong aking nakilala. Sa totoo nga nyan, mas marami pa ang mga katrabaho kong kilala ko sa mukha kesa sa mga taong kilala ko sa pangalan. Sayang, nang dahil sa takot at hiya ay hindi ko naiabot sa lahat ang aking kamay para tangkaing makipagkilala. Wala na akong magagawa, huli na ang lahat.


Oo, kokonti lang ang mga taong naging totoong bahagi ng pang-araw-araw na buhay ko sa opisinang iyon. Pero masasabi ko pa rin na mas namimiss ko ang mga katrabaho kong iyon kesa sa mismong naging trabaho ko sa kumpanya. Oo, lunod na lunod na ako sa mga keywords. Sawang sawa na, kung baga, kahit sa maikling panahon lang. Pero hindi ko kailanman pinagsawaan ang pagsama sa mga katrabahong itinuring ko nang mga kaibigan.


*si tina. Ikaw ang kauna-unahang naging kaibigan ko sa labas ng eskwela. Salamat sa mga oras na pinagsamahan natin lalo na nung mga unang araw ng trabaho. Siguro kung di kita kasama, mas lalo akong nahirapan sa pakikibagay sa bagong mundong kinabilangan natin tatlong buwan na ang nakalipas. Nakakatawa ring isipin, ikaw ang una kong nakasama sa unang araw sa trabaho, at ikaw rin ang huli kong nakasama sa kahuli-hulihang oras ng pagtatapos ng kabanata ng buhay na ito. Amazing, di ba?


*si ate blu. Nung training pa lang natin, akala ko mahirap kang iapproach.(hehe) salamat sa pagreach-out. Ayan tuloy, nakatagpo ako ng kapatid sa loob. Salamat sa keywords, sa pakikisama, sa paggabay sa baguhang tulad ko, sa pagkakaibigan, sa tiwala, sa kape, sa snacks (ililibre mo pa ako ng mcfloat!haha), at sa napakarami pang mga bagay. Ikaw ang magiging dahilan kung bakit kailanman ay hindi ko malilimutan ang kulay na bughaw. (ang lalim!)


*si ate anne. Ikaw ang nakapagpafeel sa’kin na masaya pala sa station natin. Dati kasi wala akong makausap. Pero nung lumipat ako ng terminal sa tabi nyo ni kuya juls, nagbago ang lahat. Nagsimula ang pagkagulo ng buhay ko!haha joke lang…ang totoo, nagsimula ang isang napakasayang work experience. Iba pala talaga ang feeling pag may kausap ka at may kasama kang tumawa. Salamat.


*si kuya juls. Salamat sa mga oras ng pakikipag-usap sa’kin, nafeel ko tuloy na di pala ako nag-iisa sa mundo. Alam kong di ako masalitang tao, mahirap intindihin, at minsan walang kwentang kausap (haha), pero salamat sa pagreach-out. Ipagpatuloy mo ang paggawa ng mga astig na istorya. Sayang, maagang natapos ang lahat, hindi mo tuloy ako napahiram ng book na “All I Ever Really Needed to Know I Learned in Kindergarten.” Gusto ko pa naman ito, anyway, bili na lang ako pag di na ako pulubi. Haha


*si bhudz. Naalala ko, bago natin malaman ang masamang balita nung araw na iyon, habang wala pa tayong pc na magagamit, nasabi mong parang ang suplada ko. Nahalata mo?hehe Sayang, hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na mapatunayang mali ang sinasabi mo. Pero, salamat pa rin. Ikaw ang kaisa-isang taong nakita ko na “live” na kumakain ng literal na sili kasabay ng kanin at ulam. San ka pa?


*si allen, na itatago ko na lang sa alyas na Maroon 5. Haha, bakit Maroon 5? Kasi, di ba kasabay mo ako dati sa exam? Tapos mas tumatak sa utak ko ang suot mong maroon na polo kesa sa’yo mismo. Kaya ayun. Salamat sa mga pagpapatawa. Mas nagiging masaya ang lunch time at working time dahil sa mga punch lines mo.


*si kuya nonoy—ang taong adik din sa kape katulad ko. Salamat sa pagiging kuya at sa libreng mcdo!hehe (trivia: cute ang mga anak ni kuya na sina aemon at enuj)


*si kuya bernz. Wala akong masabi.haha salamat sa mga blog sources, auto parts sources, auto parts descriptions, at sa cloud 9. Hahaha


*si riza. Sa totoo lang, pareho kami ng kolehiyong kinabilangan nito. Kaso, una ko syang nakita, dito na sa kumpanya. Ikaw ang nagpatunay sa akin na, this world is indeed a big world!haha


*si ate peach. Sya ang team leader ko, pero sa tatlong buwan kong pagtigil sa kumpanya, kahit libu-libong words na ang naisubmit ko sa kanya, siguro di pa lalampas sa 100 ang mga salitang binitawan ko sa harap nya. Ganun kalaki ang mundo. Sa huli, marami pa rin akong natutunan sa kanya.


***marami pa naman akong mga kakilala bukod sa mga nabanggit ko. Kaso, hindi ko sila masyadong nakahalubilo sa loob. Ang mga taong nabanggit ko sa taas ay ang mga taong naging bahagi talaga ng araw-araw na buhay ko sa loob ng tatlong buwan ko sa trabaho. Maikli mang panahon ito, nakakalungkot pa ring isipin na magiging iba na ang lahat.


Senti ako ngayon, alam ko. Pasensya na, pero kung alam mo lang kung ano ang nangyari, baka sabihin mong kulang pa ang rekado sa sinusulat kong ito.

1 ang nakapulot:

Ehjayculate said...

one of the reason why masarap magwork sa pinas!

 
patapon © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina